Wednesday, December 18, 2013

Sumusubra kana!

Sumusobra kana !!! eto ka oh &^$%&*!!! Pag pasok ko, ikaw nasa isip ko! Pag uwi ko ikaw padin ! Hindi naman ako ganito dati, bakit ngayon …. Ahhh ewan!!!  Natulog ako , Bakit ikaw pa din? Hindi naman kita kaano- ano. malayo- milya milya. Kapag pasok ko, sasalubungin mo ako, Mag go-good morning ka pa nga! Sa araw araw nalang na ginawa ng Diyos ayan bati mo sakin? Wala nabang iba?. Pwede namang oy, pasagasa ka, oy matuluyan kana sana. Pag uwi ko , babati ka padin , paalam po , ingat po! Naku! Bahala ka sa buhay mo. Noong nakaraan nga,nagpabili ako ng pagkain, sabi ko sayo na sukli, ibabalik mo pa? sayo nga iyon! Sa iyo! Nung nagtanong ako, Oh pambili mo yan ng pagkain, bakit binigay mo ba sa kapatid mo? Nung nakaraan, kumakain ako, tingin ka ng tingin, gutom ka din ba? Parehas lang tayo. Eh bakit noong pauwi ka, naglakad ka lang? Ang layo non ha! Naku nasisiraan kana ata ng bait. Tanghali na , bakit d kpa umuwi?  Anak ng.. Alam mo, ang bait mo! Nyo! Kayo! Oo! . Hindi ako bulag , alam ko nangyayari.  Pinaluha mo ako. Ang sakit! Ramdam ko! Hindi naman ikaw ako! Bakit? Pighati , gutom, uhaw, naranasan ko din pag nakikita kita.  Ang lungkot, pero bakit sayo parang wala lang? Sumusubra kana!

Isang dakot na pawis

My mga tao tlgang perpekto.-walang kasiraan, malinis, mabuti. Iyong Diyos ba na nakulong sa katawan ng tao, aniya nila .Eh kung gayon, “Nasa iyo na nga ang lahat” sabi nga ni Daniel. Naku napakarami diyan sa labas, eh halos wala ka na ngang makitang hindi perpekto. Napaka puti, kumikinang. Noong nakaraan nga lang, my nagtanong, “Uy, san kna nagtuturo?” Sabi ko, “ ah sa Iram, layo nga eh pero msya nman” “ Hindi ba puro ita doon, tsaka madami amoy %$#@$^? (sabay tawa) sabi ko nalang, “Hindi nman lahat. Sa isang klase mga tatlo o apat” Napakarami nilang nasasabi pag naririnig ang lugar na iyon.Ewan ko nga ba? Napakaperpekto. Di q naman gusto makipag away , hindi nman ako ganun. Sabi ko nalang, “ Hindi lamang nila alam” sabay lakad. Siguro nman walang kokontra kung sabihin kong tao din nman sila: nag aaral, kumakain ( hindi nga lamang kapareha ng iba ibang putahe na nasa hapagkainan ninyo), naglalaro, tumatawa, at NANGANGARAP. Oo meron sila non. Malaki , malawak, makulay. Hindi man magara ang damit nila, ang iba may anak na, oo meron. Bakit? Mas nanaisin pa ng ibang magulang na mag asawa ang anak nila kaysa magutom sa piling nila. Mas makakatipid nga sila pag nawala ang isa sa pamilya.—saklap..ang iba may pumapasok ng di nag almusal, ang iba my nagtratrabaho sa murang gulang, ang iba may maitim , marungis .Totoo lahat un pero hindi namn dahilan yon para huminto sila at magalit sa mundo.  Doon ko natutunan ang napaka payak na pamumuhay pero napaka saya. Sa kabila ng kakulangan nila pinansyal at iba’y pag aaruga, masaya sila. napakasaya. Gumising kana. Habang maaga pa. kung kala mo perpekto ka, Hindi. Hindi mangayayari. Ganda ng porma mo, bago pa nga cellphone mo. My silbi kaba? . tulungan mo sila. Mag guro ka. Mag aral ng mabuti. Malay mo sa mga darating na panahon, magsusulat ka din. Mas mahaba. Mas malalim. Mas may puso. Alam ko darating iyon, malalama’t malalaman mo lamang ang isang bagay kapag nakikita mo,  nararanasan mo at higit sa lahat nararamdaman mo. Totoo, tagos sa puso.