Wednesday, December 18, 2013

Sumusubra kana!

Sumusobra kana !!! eto ka oh &^$%&*!!! Pag pasok ko, ikaw nasa isip ko! Pag uwi ko ikaw padin ! Hindi naman ako ganito dati, bakit ngayon …. Ahhh ewan!!!  Natulog ako , Bakit ikaw pa din? Hindi naman kita kaano- ano. malayo- milya milya. Kapag pasok ko, sasalubungin mo ako, Mag go-good morning ka pa nga! Sa araw araw nalang na ginawa ng Diyos ayan bati mo sakin? Wala nabang iba?. Pwede namang oy, pasagasa ka, oy matuluyan kana sana. Pag uwi ko , babati ka padin , paalam po , ingat po! Naku! Bahala ka sa buhay mo. Noong nakaraan nga,nagpabili ako ng pagkain, sabi ko sayo na sukli, ibabalik mo pa? sayo nga iyon! Sa iyo! Nung nagtanong ako, Oh pambili mo yan ng pagkain, bakit binigay mo ba sa kapatid mo? Nung nakaraan, kumakain ako, tingin ka ng tingin, gutom ka din ba? Parehas lang tayo. Eh bakit noong pauwi ka, naglakad ka lang? Ang layo non ha! Naku nasisiraan kana ata ng bait. Tanghali na , bakit d kpa umuwi?  Anak ng.. Alam mo, ang bait mo! Nyo! Kayo! Oo! . Hindi ako bulag , alam ko nangyayari.  Pinaluha mo ako. Ang sakit! Ramdam ko! Hindi naman ikaw ako! Bakit? Pighati , gutom, uhaw, naranasan ko din pag nakikita kita.  Ang lungkot, pero bakit sayo parang wala lang? Sumusubra kana!

No comments:

Post a Comment